- Ang General Campaign Terms and Conditions na ito ay para sa lahat ng ongoing at future campaigns ng Involve Asia Technologies Sdn Bhd at maituturing na mahalagang bahagi ng indibidwal na campaign terms and conditions. Anumang reference sa dokumentong ito sa Terms and Conditions ay magiging reference sa parehong General Campaign Terms and Conditions at indibidwal na campaign terms and conditions maliban na lamang kung iba ang nakasaad.
- Ang Involve Asia Technologies Sdn Bhd ay mayroong karapatang baguhin, tanggalin, o ibahin ang mga Terms and Conditions base sa kanilang paghuhusga sa pamamagitan ng pagbigay ng (7) araw na abiso sa naturang pagtatanggal o anumang pagbabago na naganap sa dokumento. Ang nasabing pagbabago ay dapat mai-post sa website ng Involve Asia Technologies Sdn Bhd.
- Ang Involve Asia Technologies Sdn Bhd ay mayroong karapatang gumawa ng anumang pagkilos laban sa isang user na umaabuso sa campaign, kabilang ngunit hindi limitado sa, anumang kahina-hinalang aktibidad, o anumang pagtatangkang pagsuway sa Terms and Conditions na nakasaad.
- Ang desisyon ng Involve Asia Technologies Sdn Bhd ay maituturing na huling hatol. Anumang pagsusulat laban sa desisyon ng Involve Asia Technologies Sdn Bhd ay hindi aasikasuhin.
- Ang Terms & Conditional na ito ay maaari ring mabasa sa lenggwaheng Bahasa Malaysia, Thai, at Indonesian. Anumang pagkakaiba o kalabuan sa pagitan ng Ingles at Bahasa Malaysia, Thai, Indonesian, o anupamang lenggwahe ng Terms & Conditions na ito, ang bersyon sa Ingles ng Terms & Conditions ay ang mananaig.
- Ang mga merchants na kabilang sa campaign na ito ay may karapatang ibahin ang kanilang terms & conditions ng walang paunang abiso. Ang mga users na sumali sa naturang campaign ay mapapasailalim sa terms & conditions ng mga participating merchants.
- Ang Terms and Conditions na ito ay pamamahalaan ng batas ng Malaysia at anumang alitan mula o kaugnay sa campaign na ito ay mapapasailalim sa eksklusibong hurisdiksyon ng Malaysia Courts.
- Bisitahin ang https://involve.asia/ para sa karagdagang impormasyon o katanungan.
Information is updated as of 9th April 2021.