0
Videos
4
Lessons
Beginner
Skill Level
12 mins
Duration
Share this course
All Involve Asia Courses
Introduction to Affiliate Marketing
How to Start Affiliate Marketing
Maghanap ng mga Produkto at Brand Para sa Iyong Niche
Ang mga piniling produkto ay dapat na naaayon sa iyong niche at interes ng iyong audience, magbibigay ito sa iyo ng higit pang inspirasyon para gumawa ng nakaka-engganyong content, makatutulong para makakuha ng mahalagang impormasyon sa iyong audience at magbibigay ng mas maraming oportunidad para makakuha ng conversion.
Ang approach sa paghahanap ay magiging epektibo kapag ginamit ka ng mga popular na keywords. Ito ay tumutulong sa iyo na maunawaan ang mga trend sa market at ang mga preference ng mga customer. Magbibigay din ito ng kumpiyansa sa iyong pagpili ng produkto para sa iyong audience.
Narito ang tatlong lugar kung saan maaari kang maghanap ng magagamit na keywords para sa iyong sa iyong niche.
Ayon sa SEO.ai, ang average na indibidwal ay gumagawa ng 3 hanggang 4 searches araw-araw sa Google. Kapag ang mga users ay naghahanap ng mahalagang impormasyon na nauugnay sa kanilang mga pangangailangan, mabibigay agad ng top results ang Google batay sa algorithm.
Halimbawa, kunin natin ang travel bilang iyong niche. Inirerekomenda namin na maglagay ng dalawa hanggang tatlong salita na specific. Halimbawa, kung nais mong lumikha ng content tungkol sa budget travel. Makikita mo ang isang listahan ng mga options sa drop-down.
Ilagay ang term na nais mong pag-aralan at ipapakita ng Google ang top results sa pamamagitan ng ranking. Maaari mong i-filter ang mga resulta batay sa mga recommended criteria sa itaas.
Sa mga resulta, makikita mo ang iba’t ibang mga website at mga articles blog na magbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring maging laman ng iyong content, tulad ng mga tips at tricks, listahan, mga review, at mga comparison.
Maglaan ng oras upang suriin ang mga ito para sa inspirasyon.
Mayroon din mga video kung nais mong lumikha ng mga short-form at long-form na video para sa iba’t ibang platforms.
Maaari mo rin tignan ang “Related Searches” para sa iba pang mga term na hinahanap ng mga users sa Google at alamin kung ano ang mga madalas na naitatanong sa “People also ask” section.
Aming nirerekomenda na mag-compile ng isang listahan ng mga napiling keywords kasama ng mga napiling niche products na pwedeng ipromote para mas madali mo ito ma-track.
Ang paghahanap ng mga produkto ay isang patuloy na proseso, pero kapag nakabisado mo na ito, magagawa mong lumikha ng mga targeted at engaging na content para sa iyong mga followers.
Sa Malaysia, 60% ng mga internet ay bumibili ng hindi bababa sa isang produkto kada linggo. Madalas silang nag-bobrowse sa mga e-commerce sites batay sa kanilang mga paborito bago bumili.
Ituloy natin ang paggamit ng “budget travel” bilang halimbawa. Kapag nag-search ka para sa “budget travel” sa Google, makikita mo ang mga kilalang e-commerce sites sa results page.
Kung pamilyar ka sa brand, maaari mo ring bisitahin ang kanilang e-commerce site nang hindi dumadaan sa Google.
Kaya pumunta tayo sa isa sa mga popular na travel booking platforms.
Sa karamihan ng mga site, mayroong isang search bar kung saan maaari mong lagyan ng mga terms na nais mong hanapin. Maaari kang mag-scroll pababa sa page upang tingnan ang mga paborito ng mga travelers, popular na mga destinasyon at mga attractive na promotions.
Upang simulan ang paghahanap ng mga produkto, maglagay ng mga terms sa Search bar.
Halimbawa, gusto kong hanapin ang mga sikat na atraksyon sa Japan. Pagkatapos mong maglagay ng mga terms sa Search Bar, makikita ko ang iba’t ibang mga travel products na pwedeng irekomenda sa followers.
I-click ang anumang produkto upang tingnan ang mga detalye tulad ng mga larawan, presyo, at mga review.
Mag-compile ng isang listahan ng mga ginamit na keywords. Sa susunod na lesson, ipapaliwanag namin ang mga criteria na dapat tignan kapag pumipili ng mga produkto. Para ngayon, ituloy natin sa huling platform, ang social media.
Ang mga social media platforms ay mayroong search feature. Maaari mong gamitin ito upang makakuha ng mga search results sa particular page (tulad ng For You) sa pamamagitan ng paglagay ng mga specific niche products na hinahanap mo.
Maaari ka rin maghanap ng content batay sa mga popular hashtags.
Halimbawa, gamitin natin ang TikTok bilang isang social media platform para sa paghahanap ng mga niche products.
Isipin mong naghahanap ka ng mga taong nagpo-post ng travel content at mga travel products na kanilang inirerekomenda. Maaari mong ilagay ang “Travel” sa Search Bar o piliin ang “Travel” filter kung ito available sa iyong For You page.
Kapag ito ay inilagay mo sa iyong Search, makikita mo ang iba’t ibang mga travel-related TikTok videos at mga produkto na pwede mong gamitin upang ipo-promote sa iyong mga platforms.
I-click ang sumunod na drop-down section upang malaman kung ano ang mga criteria na dapat mong alamin kapag pumipili ka ng tamang produkto.
Upang pumili ng high-quality product sa abot-kayang presyo at magbigay ng value sa iyong audience, kailangan mong tandaan ang mga sumusunod na criteria:
Sa pagkakaroon mo ng compilation ng mga produkto sa iyong niche, mas magkakaroon ka ng mas maraming oportunidad na mapataas ang engagement ng iyong audience at kumita ng mas maraming commissions mula sa mga successful sale.
Kapag natukoy mo na ang iyong niche at audience kasama ang mga napiling produkto at mga brand, ang susunod na hakbang ay pumili ng iyong platform upang ibahagi ang iyong promotional content.
Alam mo ba na karamihan sa mga brand sa Involve Asia ay nagbibigay ng mga listahan ng mga top-selling products na tumutulong sa Involve Partners na makakuha ng mas maraming payouts?
Mag-sign up bilang Involve Partner at alamin ang iba’t ibang mga brand na maaari mong i-promote at kumita ng affiliate payouts.
Next Course
Start Course
Pumili ng mga platforms kung saan mo pwedeng ibahagi ang mga rekomendasyon sa iyong followers