Course 5

Pumili ng Iyong Platform

0

Videos

8

Lessons

Beginner

Skill Level

14 mins

Duration

Pumili ng Iyong Platform

Alin sa mga social media platform ang bagay para sa mga beginners? Ang pagpili ng iyong ideal na social media platform para i-promote ang iyong content at affiliate links ay nakasalalay sa iyong target audience, niche, goals, content style, at budget.

Heto ang pinakasikat na social media platforms batay sa iyong mga criteria para sa pag-promote ng mga brand sa affiliate marketing.

Kapag nalaman mo na ang iyong platform sa social media, maaari ka nang magsimula sa paghahanap ng affiliate program kung saan pwede kang mag-sign up at mag-promote.

Kung nais mo, maaari mo ring mag-set up ng mga blog at/o conent site, na ipapaliwanag pa namin nang mas detalyado sa susunod na section.

Ang blog at website ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon na ipakita ang iyong detailed information sa iba’t ibang paraan, base sa interes ng iyong followers at ang kanilang interaksyon sa iyong online content.

 

 

Blog

Website

Content

Pagbahagi ng latest articles in chronological order

Static landing pages na may content base sa category or topic

Monetisation

I-monetise ang iyong blog sa pagsali sa affiliate program, pagsusulat ng sponsored posts, at paggawa ng subscriber list

Pag-set up ng online stores o pagbibigay ng professional online services upang i-monitise ang website

Updates

Madalas ang pag-update gamit ang iba’t ibang content

Standalone content na walang frequent updates in the long run

 

Ang isang blog ay isang magandang paraan upang madalas na ibahagi ang iyong mga update sa iyong followers, samantalang ang isang website ay nagpapakita ng partikular na impormasyon tungkol sa iyong mga products o services.

May dalawang uri ng mga platform na maaari mong i-set up: Facebook at Instagram.

Ang personal na individual account at mga business page ay dalawang magkaibang platforms sa social media.

Individual Account

Business Page

Isang tao lamang ang maaaring magmanage ng individual account


Magbahagi ng mga personal photos at status updates sa malalapit na mga kaibigan at pamilya


I-enable ang privacy settings na nagbibigay-daan sa iyo na kontrolin kung sino ang makakakita ng iyong content


Walang tracking sa engagement at interactions sa posts


Walang content scheduling at requirements para i-post manually

Maraming tao ang maaaring magmanage ng isang business page


Makipag-ugnay sa mga dating at potensyal na clients


Mangolekta ng reviews, ibahagi ang relevant details tungkol sa iyong negosyo at mag-post tungkol sa industry-related topics


Maaaring i-track ang engagement at interaction gamit ang mga analytical tools


Pwedeng i-schedule ang content para ito ay maauto-publish sa page

Inirerekomenda namin na i-set up ang iyong business page upang madagdagan ang iyong credibility at engagement sa iyong followers at mapagbuti ang iyong content strategy sa pamamagitan ng pagsubaybay sa affiliate marketing.

Bago mo i-set up ang Facebook business page, kailangan mong magkaroon ng personal na Facebook account. Kung mayroon ka nang personal na account, maaari nang i-skip ang mga steps na ito at dumiretso sa pag-set up ng iyong business page.

Para mag-set up Facebook account, pumunta sa homepage ng Facebook at pindutin ang “Create new account”. Punan ang mga detalye at pindutin ang “Sign Up”.

Tapusin ang paggawa ng iyong account sa pamamagitan ng pagconfirm ng iyong email address o mobile number at handa ka nang mag-set up ng iyong business page.

Mag-log in sa iyong personal Facebook account at pumunta sa “Menu” at “Page” sa “Create” section.

Idagdag ang pangalan ng iyong page, category, page description, profile picture, at cover photo bago pindutin ang “Create” button. Ang iyong Facebook business page ay handa na!

Gumawa ng account gamit ang iyong username at password, i-accept ang T&Cs, at magdagdag ng iyong profile picture. Piliin ang mga Instagram profile na gusto mong i-follow, at magkakaroon ka na ng iyong personal na Instagram account.

Bago mo i-switch ang iyong personal na account sa isang professional account, siguruhing ang iyong account ay Public. Pumunta sa “Settings” > “Account”, mag-scroll pababa, at pindutin ang “Switch to professional account”.

Pumili ng isang kategorya at pagkatapos pumili ng “Creator” to best describe you.

Upang tapusin ang iyong profile, idagdag ang iyong URL link sa bio. Ang iyong URL ay dapat magdirekta sa iyong followers sa isang page kung saan nila makikita ang iyong affiliate link.

Ngayon, handa na ang iyong Instagram professional account. Maaari mong i-edit ang iyong profile sa anumang oras.

Kumonekta sa Facebook, Twitter, o Google, pagkatapos idagdag ang iyong mga credentials tulad ng username, password, at contact details.

Magdagdag ng iyong profile picture at bio at i-connect ito sa iba pang mga social media account. Handa na ang iyong personal na TikTok account!

Pumunta sa “Settings and privacy” > “Manage account” at pindutin ang “Switch to Pro Account”.

Pumili ng “Creator” bilang iyong Account Type, at pagkatapos piliin ang isang kategorya na pinakamainam na naglalarawan sa mga produkto na iyong pinopromote.

Makakatanggap ka ng isang popup na nagsasabi na napalitan mo na ang iyong Personal Account sa Pro Account.

Sa iyong Twitter app, mag-navigate sa larawan ng profile sa top left corner at pindutin ang “Create account”.

I-connect ang iyong X account sa iyong Google o Apple account. Maaari mo ring lumikha ng account gamit ang iyong email address.

Ilagay ang six-digit code upang -confirm ang iyong email address. Idagdag ang iyong password, profile picture, at username.

Pumili ng mga kategorya at i-follow ang iyong mga pinipiling X users upang makita ang mga post na gusto mong makita sa iyong X feed.

Kapag na-set up na ang iyong X account, ang susunod na hakbang ay i-switch ito sa isang Professional Account.

Pumunta sa iyong profile photo > Twitter for Professional at pindutin ang “Agree & Continue”.

Pumili ng isang kategorya na pinakamainam na naglalarawan ng iyong account. Pumili ng Creator para sa uri ng iyong account.

Babalik ka sa iyong X profile, at magpapakita ng isang welcome message na nagsasaad na napalitan mo na ito sa isang Professional Account. Maaari mong i-customize ang iyong profile sa anumang oras upang tugma sa iyong mga pangangailangan.

Gumawa ng isang Google account at magkakaroon ka ng iyong sariling YouTube platform.

Pumunta sa “Settings” > “Account” at piliin ang “Create a new channel” sa ilalim ng Iyong YouTube channel.

Lumikha ng iyong unique channel name, i-check ang box na naiintindihan mo ang mga terms & conditions, at pindutin ang “Create” na button.

Kapag na-set up na ang iyong channel, babalik ka sa YouTube homepage. Pumunta sa menu sa top left corner malapit sa iyong profile picture at pindutin ang “View your channel.” Dito, maaari mong i-customize ang iyong channel, mag-upload ng iyong mga video, tingnan ang analytics, at marami pang iba.

Tingnan ang susunod na lesson, kung saan matututo ka kung paano mag-build ng iyong mga followers sa social media platforms.

Mag-sign up sa iyong platform bilang isang Involve Partner kung pamilyar ka na sa affiliate marketing.

Next Course

Paramihin ang iyong followers gamit ang engaging na content at cross-promotions