Magsimulang Kumita sa Lunar New Year Mula sa Affiliate Commissions

Ang Lunar New Year ay paparating na sa loob ng ilang linggo! Ito ang tamang panahon upang i-promote ang mga awesome deals ng iyong mga paboritong brands bago dumating ang malaking selebrasyon.

Ayon sa Marketing Interactive, dumarami ang mga bagong online shoppers (halos 94%) na bumibili ng mahahalagang bagay at regalo habang Lunar New Year sa 2021.

Ating tignan ang performance ng mga product categories sa Malaysia, Philippines, Indonesia, Thailand, Vietnam, at Singapore.

Lunar New Year Insights 2022

Sa anim na bansa sa Southeast Asia, Ang Involve Partners ay nagdulot ng pinakamaraming conversions at sales sa pagitan ng 31 January at 2 February 2022.

CountryConversionsSales
Malaysia↑16.8x↑10.9x
Indonesia↑1.6x↑0.2x
Philippines↑1.8x↑1.2x
Thailand↑5.2x↑10.1x
Vietnam↑5.3x↑4.3x
Singapore↑1.3x↓0.3x
Lunar New Year Performance (30 January 2022 – 2 February 2022)

Sa taong ito, 1 February ay ang unang araw ng Lunar New Year, habang ang double-date sales ay naganap sa 2 February, na nagpalakas ng performance sa mga araw na iyon.

Women’s Fashion, Health & Beauty, Home & Living, Electronics, at Toys & Hobbies ang nagdulot ng pinakamataas na conversion sa buong Lunar New Year, mula sa pre-promotion hanggang peak days, sa mga popular na mga pamilihan gaya ng Shopee at Lazada.

Electronics ang nagtala ng pinakamalaking sales sa kabuuan, na sinundan ng mga ibang nabanggit na product categories.

Heto ang mga tips & tricks kung paano gumawa ng contet at i-promote ang iyong mga paboritong brands upang pataaasin ang iyong affiliate marketing performance sa Lunar New Year.

Tips & Tricks Para sa Lunar New Year Promotions

  1. Gumawa ng educational at seasonal content
(Image Source: Freepik)

Mag-isip ng mga Lunar New Year-focused content na nagbibigay solusyon sa mga problema at pangangailangan ng iyong audience.

Kailangan ito ay napapanahon, importante, at nakakaaliw para sa kanila upang sila ay bumili mula sa ang iyong mga recommendations sa mga brand stores gamit ang iyong mga  affiliate links.

Tignan ang mga napapanahong trends at top hashtags na pinag-uusapan ng iyong audience sa social media at hanapin ito sa Google.

Tutulungan ka nitong matuklasan kung pano makakagawa ng iyong Lunar New Year content.

Heto ang ilang mga halimbawa ng mga pwede mong gamitin para sa iyong Lunar New Year content:

  • 8 Mga Paboritong Meryenda Para sa Lunar New Year
  • 5 Masasarap na Lutong Bahay na Pwedeng Lutuin Upang Mapabilib Ang Iyong Pamilya at Kaibigan
  • 10 Pangregalao Para sa Lunar New Year
  • 5 Mga Ideyang Pagdekorasyon ng Iyong Bahay para sa Lunar New Year
  • 7 Kailangang Mga Bagay Para sa Road Trip Pabalik ng Probinsya

Ang iyong napapanahong content ay magdadala ng mga bago at kasalukuyang audience na gustong matuto tungkol sa Lunar New Year at muling kumonekta sa kanilang mga tradisyon.

Ang iyong pagtalakay sa mga unique seasonal content ay magdadala ng traffic at conversions sa loob ng Lunar New Year period.

  1. Themed products para sa iyong target audience
(Image Source: Freepik)

Mag-suggest ng mga recommended products base sa iyong audience preferences para sa Lunar New Year.

I-feature ang mga napiling products para sa iba’t ibang audience para mapalawak ang iyong reach, mula sa last-minute shopping para sa Lunar New Year outfits hanggang mga masasarap na meryenda para sa iyong mga bisita.

Alamin ang mga keywords kaugnay sa intensyon ng iyong audience kapag sila ay namimili ng produktong iyong ni-rerecommend.

Batay sa Lunar New Year 2022 performance, maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pag-promote ng mga produktong ito ayon sa kategorya.

CategoriesProducts
Women’s FashionLong sleeve blouse, Polo T-shirt, Tsinelas at High Heels, Alahas, Cheongsam 
Health & BeautyLip Tint, Medical Face Mask, Essence Face Sheet Mask, Skincare Set
Home & LivingMga kumot at punda ng unan, mugs, plato, multipurpose cooker, cordless vacuum
ElectronicsPowerbank, professional game consoles, wireless earphones, mobile phones, smartwatches
Toys & HobbiesYear of the Rabbit plush dolls, red envelopes, board games, greeting cards, lanterns 
GroceriesPackaged drinks, dried meat (bakkwa), luncheon meat, assorted nuts, instant noodles

Ang pag-curate ng mga produkto para sa iyong audience ay magdadala ng mas mataas na engagement at mga conversion dahil sa tingin nila ay ang iyong content ay madaling basahin at kapaki-pakinabang para sa kanilang mga desisyon sa pamimili.

Gawing malinaw at maikli kung gaano kapaki-pakinabang at abot-kaya ang mga produkto para sa iyong audience sa Lunar New Year.

  1. I-highlight ang mga unique selling points

Diretso sa punto, pag-usapan ang mga bagay tungkol sa mga produkto at promotions na sumasalamin sa problema at pangangailangan ng iyong audience.

Ipaliwanag ang pagiging epektibo ng mga produkto na nakakaakit sa iyong audience upang matuto tungkol sa kanila at nang sila ay bumili gamit ang iyong affiliate links.

Ang mga kaakit-akit na discounts, cashback, at mga promo code na may FOMO (fear of missing out) ay nakakakuha ng atensyon ng iyong audience na bilhin ang iyong mga rekomendasyon sa abot-kayang presyo bago matapos ang promosyon.

Sabihin natin na iyong gagamitin ang kasalukuyang Shopee Chinese New Year campaign para sa iyong audience sa Malaysia.

Heto ang ilan sa mga unique selling points para sa new at existing customers na hindi dapat palampasin para sa Shopee Chinese New Year Sale:

  • Huat Huat Vouchers – 88% Off
  • CNY Must Haves – Up to 88% Off
  • Win RM8,000 Angpow
  • Huat Huat Deals – Up to 80% Off
  • 30% Daily Brand Discounts
  • Up to 25% Coins Cashback
  • Up to 3x RM120 Rebat during the Huat Hours (8pm – 12am)
  • Exclusive Shopee Live Free Shipping Vouchers

Kapag nag-rerekomenda ng produkto sa iyong content, tignan ang mga product pages upang malaman ang mga impormasyon at piliin ang mga key points na makakakuha ng atensyon ng iyong audience habang sila ay naghahanap ng mga bagay para sa Lunar New Year.

Hamibawa, ikaw ay nag-suggest sa iyong audience na bumili ng Signature Market Auspicious Happiness CNY Gift Box (8 Items) bilang meryenda para sa mga bisita habang Lunar New Year.

Ipaalam sa iyong audience na ang gift box ay mayroong iba’t ibang masustansyang meryenda na abot-kaya para sa mga customers na naghahanap ng sulit na pangregalo.

Sa pamamagitan ng pag-outline ng mga positibong katangian at benepisyo base sa iyong audience preference, malamang mas mapapansin nila ang iyong affiliate link upang bilhin ang produckto sa brand website.

  1. Gumamit ng mga live streaming sessions
(Image Source: Freepik)

Sa halip na mag-post lang ng mga larawan at video ng iyong promotion sa Lunar New Year, tinutulungan ng mga live streaming session ang iyong audience na makita ang totoong ikaw at mas madaling makakonekta sa iyo.

Gamit ang live streaming, ikaw ay maaaring makipag-interact sa mga online shoppers sa pagbahagi ng mga tips & tricks at reviews ng mga produkto na iyong nirerekomenda para sa Lunar New Year. Pwede mo ring sagutin ang tanong ng mga online shoppers tungkol sa iyong mga nirerekomendang produkto.

Dagdag pa dito, ang mga aktibong participants na nanonood ng iyong live stream ay makakakuha ng mga exclusive benefits tulad ng mga promo voucher at free shipping.

Mayroon kaming detalyadong gabay sa kung paano mo mapapataas ang iyong mga sales at conversion sa pamamagitan ng live streaming.

Kung ikaw ay isang shopping content creator, gumawa ka ng live stream session upang maipakita ang iyong Lunar New Year haul na iyong ginawa sa Shopee. Upang mas mapataas ang iyong engagement, kailangan mong:

  • Ipaliwanag ang iyong karanasan sa paggamit ng mga produkto
  • Ibigay ang iyong mga ideya at dahilan kung bakit dapat makuha ng mga online shoppers ang mga produktong ito
  • Makipag-ugnayan sa audience at iparamdam sa kanila na nariyan sila kasama mo
  • Tapusin ang iyong live streaming sa pamamagitan ng pag-highlight sa giveaway

Panatilihing masaya at nakakaengganyo ang session kasama ang iyong audience.

  1. Gumawa ng timeline para sa iyong content
(Image Source: Freepik)

Magdisenyo ng kalendaryong tutulong sa iyong planuhin at i-publish ang iyong content bago dumating ang big day.

Ang pag-publish ng iyong content para sa Lunar New Year sa tamang oras ay nakatutulong sa traffic ng brand website, at kalaunan ay nakatutulong sa sales at conversions.

Hikayatin ang iyong audience na maging handa na mamili ng mga items sa Lunar New Year, tulad ng pagpapaalala sa kanila na kumuha ng mga exclusive voucher at magdagdag ng mga item sa kanilang mga cart.

Heto ang ilang mga halimbawa ng mga promotional captions na pwede mong gamitin para sa Lunar New Year content:

Topic & DateCaption
Teaser – 18 JanuaryAng Lunar New Year ay paparating na sa loob ng 5 araw! Tignan ang mga fantasitc deals na hindi mo dapat palampasin habang gumagawa ng mga last-minute errands para sa Lunar New Year, mula sa pagkuha ng outfits hanggang sa pamimili ng mga meryenda para sa iyong pantry.
Women’s Fashion – 19 JanuaryTignan ang mga trendiest at pinaka abot-kayang outfit para sa reunion ng iyong mga kaibigan at kapamilya. Heto ang iba’t ibang blouses, dresses, pants, at cheongsams na may amazing discounts.
Groceries – 20 JanuaryI-stock ang iyong pantry at punuin ang iyong coffee table ng iba’t ibang masarap at masustansyang meryenda para matikman ng iyong mga bisita. Ang mga exclusive discount voucher ay pwedeng mapanalunan!
Electronics – 21 JanuaryMag-enjoy ng up to 88% Off sa mga best-selling tech gadgets para maibsan ang pagkabagot habang Lunar New Year, lalo na kapag ikaw ay ipit sa traffic sa byahe pabalik ng probinsya.
Last Day – 22 JanuaryHappy Lunar New Year! Kunin ang mga must-have items na may amazing discounts, cashbacks, at free shipping para sa mga top-selling brands NGAYON bago pa matapos ang sale.

Huwag kalimutang isama ang mga daily promotions para bumalik ang iyong audience para sa mga update ng Lunar New Year sales.

Tuklasin ang mga top-selling brands sa Lunar New Year promotions at Weekly promotions sa baba.

Share this article