Featured Image - PH - Mobile App Announcement Ver. 1.6

Involve App: Mga Bagong Features

Table of Contents

Hello sa lahat!

Mayroon kaming mga updated features para sa Involve App.

Dati, limited lang ang aming solusyon sa direktang pag-apply para sa mga offers at pag-generate ng iyong deeplink. Pero ngayon, mas marami ka nang pwedeng ma-access!

Ano ang astig sa bagong update?

Discover Offer 1

Dati, ang Involve App ay may feature lamang para i-check ang Deeplink at tingnan ang Performance & Earning Overview.

Pwede rin maghanap ng mga brands para i-promote at mag-apply gamit ang search bar.

Ngayon, sa mga pinakabagong updates, maaari mo nang:

  • I-explore ang Discover Offer Page
  • Tingnan ang Offer Detail Page
  • Gamitin ang Learning Centre Page

Alamin natin ang mga bagong features na ito nang mas detalyado sa ibaba!

I-explore ang Discover Offer Page

Ang bagong Discover tab ay idinisenyo para tulungan kang mas madaling mahanap ang mga offers na tugma sa iyong mga peference upang makakatipid sa oras sa paghahanap ng perfect offer.

Kaya, bawat headline ay may iba’t ibang layunin. Ang mga explanation ay nasa sa ibaba:

  • Handpicked for you: Alamin ang mga pinakamagandang brand na pinili para sa iyo batay sa popularidad at mataas na commission rates.

 

  • Latest campaigns: I-explore ang mga available na campaign na maaari mong i-promote sa iyong mga followers.

 

  • Get approved instantly: Madaling mag-browse ng seleksyon ng mga brand kung saan maaari kang makatanggap ng instant approval, na nagpapadali ng proseso ng pag-apply.

 

  • Offers with the highest payout: Hanapin ang mga brand na nagbibigay ng pinakamataas na payout.

 

  • No conversions? Earn on clicks: I-explore ang mga offer kung saan kumikita ka kapag ang iyong audience ay nag-interact sa isang website nang hindi bababa sa 15 seconds, kahit walang conversions.

 

  • Discover by category: Pumili ng mga partikular na kategorya ng offer na interesado ka para sa mag-apply o mag-promote.

 

Disclaimer: Ang imahe na ibinigay ay para sa illustration lamang, at ang mga headline na ipinapakita ay nakadepende sa iyong lokasyon. Mahalagang tandaan na maaaring magkaiba ang nakikita mo rito at ang makikita mo kapag binuksan mo ang iyong app.

Bukod dito, kung mas gusto mong manual maghanap ng partikular na brand para mag-apply o i-promote, i-click ang “Search for Brands” bar sa itaas ng screen upang simulan ang iyong paghahanap.

Dito, maaari kang maghanap ng kahit ano ang nais mo, at lalabas ang isang listahan ng mga offer. Mula doon, makikita mo kung aling mga offer kung saan ikaw ay nag-aaply na, hindi pa nag-apply, at naghihintay pa ng approval.

PH - Mobile App - Discover Offer - Offer List
Discover Offer 9

Dito mo mababasa ang lahat ng Offer description bago mo i-click ang “Apply.”

Halimbawa, kung gusto mong mag-apply para sa KKDay offer, i-click ang “See More” sa KKDay Offer Page para mabasa ang mga description ng offer. Ngayon, sa bagong feature updates, maaari ka nang:

  • Matuto kung paano magsimula kumita sa KKDay
  • Alamin ang mga available na campaigns
  • Makita ang proseso ng validation
  • Maunawaan ang mga available na methods & tools
  • Makita ang Commission Terms

Ang Involve App ay kasama mo sa pag-explore ng mga pinakabagong campaigns at mga existing brands na maaari mong i-promote kahit saan!

Ang Learning Centre Page ay naglalaman ng aming mga educational materials, mula sa pag-aaral kung paano gamitin ang aming dashboard hanggang sa pag-promote ng iyong mga link sa social media.

Ang page na ito ay naglalaman ng Involve Academy, isang learning resouce para matuto tungkol sa mag-umpisa sa Affiliate Marketing.

Learning Center 1

Para matutong tungkol sa Affiliate Marketing sa Involve Asia, basahin ang aming pinakabagong mga blog articles na may mga featured offers, how-to guides, at mga partner success stories.

Learning Center 4

Maging isang top-tier affiliate gamit ang aming comprehensive learning materials na makukuha sa loob ng Involve App.

Curious ka ba sa lahat ng mga bagong update? I-click ang button sa ibaba para mag-download ng app.

Share this article